(via dr-orangeranger)
Sabi ni Ma’am, babatuhin yung bola sa kahit kanino sa class tapos tatanungin nung nagbato yung nakasalo tungkol sa kahit ano. Sabi niyang ingatan daw namin yung bola kasi binigay yun ng crush niya sa kanya. At huwag daw ibato palabas ng bintana.
Nung napunta kay Classmate 1 yung bola, binato niya papunta kay Ma’am at tinanong niya si Ma’am kung sino yung crush niya. Sinabi bigla ni Ma’am na meron daw pala kaming karapatang hindi sagutin ang tanong pero dahil pinilit namin siya, napakwento siya ng kaunti tungkol sa crush niya.
Ibinalik ni Ma’am ang bola kay Classmate 1 at sa akin naman ito binato. Nag-iisip pa lang si Classmate 1 ng tanong na itatanong sa akin biglang sinabi ni Ma’am na tanungin daw niya ako kung sino naman ang crush ko.
Syempre siya ang naisip ko; wala namang iba.
*some text missing*
Tinanong niya ako kung siya raw ba ang dahilan kung bakit ako nandoon sa landas na iyon at inamin ko naman.